GMA Logo Gabbi Garcia
Source: gabbi/IG
What's on TV

Gabbi Garcia, 'not the smartest thing to do' ang pagsali sa beauty pageant sa ngayon

By Kristian Eric Javier
Published May 25, 2025 4:17 PM PHT
Updated May 26, 2025 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia


Hindi isinasara ni Gabbi Garcia ang posibilidad nang pagsali sa Miss Universe ngunit hindi pa sa ngayon.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang kagustuhan ng SLAY star na si Gabbi Garcia na lumahok sa Miss Universe. Sa katunayan, sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, May 22, ibinahagi ng aktres na ang pangarap naman talaga niya ay maging beauty queen.

“During my early years, Tito Boy, hindi ko alam na mag-aartista ako. Ang gusto ko talaga is maging piloto and maging beauty queen! 'Yan ang mga gusto ko,” sabi ni Gabbi.

Kaya naman, tanong sa kanya ni King of Talk Boy Abunda ay kung nandiyaan pa ba ang kagustuhan niyang sumali sa naturang beauty pageant.

“I'm turning 27 this year so it would have been the perfect time to join, right? Pero nga kasi, I've been saying I've been open about this, there are a lot of factors to consider if I could join or not,” sagot ni Gabbi.

Pag-amin ng aktres, isa sa mga makakaapekto ng kaniyang desisyon ukol dito ay ang mga existing contracts at brand endorsements niya.

“You know, relationships with brands na baka hindi ma-i-push kung sumali ako because I would have to drop everything or pause everything. [In] short, I would be jobless for maybe a year or two if I continue to join. So I don't think it's the smartest thing to do right now,” pagpapatuloy ni Gabbi.

Aminado naman si Gabbi na maraming nag-uudyok sa kaniya na sumali sa pageants. Sa katunayan, kung wala naman umano siyang kailangan isakripisyo pagdating sa kaniyang karera ay baka ilang ulit na niyang sinubukan hanggang sa makuha niya ang korona.

“But as of now, there are different priorities that I have to weigh as well now that I am in the industry for 11 years. Until now, it's still an unanswered thing in my head,” sabi ni Gabbi.

Payo naman sa kaniya ng batikang host, 'wag niyang pilitin, na sinang-ayunan naman ng aktres.

“May mga bagay na kahit na gustong-gusto natin para sa sarili natin, sinasabi na ni Lord at sinasabi na ng destiny natin na hindi siya muna para sa 'yo,” ani ng aktres.

Nilinaw naman ni Gabbi na hindi niya sinasara ang pagkakataon na maging parte ng Miss Universe, ngunit sa ngayon ay may iba pang mga bagay na mas kailangan niyang bigyan prayoridad.

Panoorin ang buong panayam kay Gabbi dito:

BALIKAN ANG STUNNING LOOKS NG ILAN SA MGA KAPUSO BEAUTY QUEENS SA GALLERY NA ITO: