
Isa sa pinakaabangan ng fans ang unexpected kilig factor na dinala ng Beautiful Justice stars na sina Gabbi Garcia at Gil Cuerva sa show.
Dito gumaganap ang dalawa bilang sina Brie at Agent Vin na shini-ship ng mga tagahanga ng dalawang Kapuso stars.
Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, aminado si Gabbi na unexpected raw ang kanilang pairing sa drama-action series.
Aniya, “Sobra! Sobrang unexpected kasi pati kami nagulat, e.”
Dagdag pa ng Kapuso star, natutuwa raw siya ng kanyang co-star na binabasa at naririnig ang reaksyon mga manonood sa kanila.
“Well, Direk Mark has been doing a lot of adjustments and also mas naging exciting to especially with Derrick's character na bumalik pa. So siyempre, may mga team Lance at may Team Vin.
“Ang saya lang kasi we love reading the reaction of the viewers online and ang saya lang to give them a good show.”
Tutukan ang patuloy na gumagandang kuwento ng Beautiful Justice gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
Gabbi Garcia at Gil Cuerva, nagbigay kilig sa mga manonood ng 'Beautiful Justice'
Netizens, napansin ang chemistry nina Gabbi Garcia at Gil Cuerva sa 'Beautiful Justice'