
Isa sa mga hinahangaang Kapuso stars sa industriya ay ang Sang'gre aktres na si Gabbi Garcia.
Hindi lang dahil sa kaniyang husay sa pag-arte, kundi pati na rin sa kaniyang dedikasyon bilang artista.
Kamakailan, mas lalo pang na-excite ang fans nang magbahagi siya ng nakakatuwang sagot sa kaniyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda.
Sa Fast Talk segment, tinanong siya ni Tito Boy: "Gagawa ka ng GL project, sino ang gusto mo ka-partner?"
Agad namang sumagot si Gabbi na ikinatuwa ng mga Encantadiks.
"Kylie (Padilla), Glaiza (De Castro), or Sanya (Lopez)," sagot niya nang walang pag-aalinlangan.
Dagdag pa ni Gabbi, pabirong sinabi niya na gusto rin niyang ipasok si Tito Boy sa mundo ng fantaserye, bagay na ikinatawa ng host.
Mapapanood si Gabbi bilang Sang'gre Alena sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Samantala, balikan ang bonding moments ng 2016 Sang'gres sa gallery: