GMA Logo gabbi garcia pbb
Source: Gabbi Garcia / gabbi (IG)
What's Hot

Gabbi Garcia, planong magbakasyon ngayong tapos na ang 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0'

By Faye Almazan
Published March 7, 2026 11:25 AM PHT
Updated March 7, 2026 11:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Nepal's rapper-turned-politician looks set for landslide win
Fajardo, Ando lead honorees in 40th Cebu Sports Awards
Nikko Natividad's wife Cielo Eusebio speaks up about viral intimate video scandal

Article Inside Page


Showbiz News

gabbi garcia pbb


Pagpaplano ng bakasyon ang isa sa mga ginagawa ni Gabbi Garcia para mapanatili ang kanyang work-life balance.

Plano ni Gabbi Garcia na magbakasyon bilang reward at pagbalanse ng kanyang sarili matapos ang successful na Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 2.0.

Sa 24 Oras report ni Nelson Canlas noong Biyernes, March 6, ay ipinahayag ng Kapuso star ang plano niyang magbakasyon ngayong tapos na ang pinaka-recent na season ng PBB.

Ayon kay Gabbi ay gawain niya na ang magbakasyon pagkatapos ng isang proyekto.

"Not just reward, but a way to balance myself din na after work, puwede rin naman ako magbakasyon," ani Gabbi.

Dagdag pa ni Gabbi ay nag-a-adjust pa siya sa kanyang daily routine at mayroon din siyang sepanx sa PBB co-hosts dahil nasanay na siya na halos araw-araw silang magkakasama.

Sabi ni Gabbi ay naging close talaga silang PBB hosts at isa 'yun sa mga pinakamami-miss niya, kasama na ang marinig ang boses ni Kuya.

Sa isang Instagram post bago ang Big Night ay ipinahayag ni Gabbi ang naging impact ng nakaraang PBB season sa kanya.

"Hay. I will miss all of this. PBB will always be deeply personal to me, not just because of the show, but because of the people in it," saad ni Gabbi sa caption.

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)

RELATED GALLERY: Gabbi Garcia recalls most memorable 'PBB' moments before the Big Night