
Tila may sweet reply si Gabbi Garcia sa pahayag ni Khalil Ramos kung gaano ito ka-proud sa kanya.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Gabbi, siya naman ang nagbigay ng message para sa kanyang real-life partner na fellow actor din niya.
Ayon sa Kapuso actress, proud siya sa achievements ni Khalil lalo na ngayon na magkakasunod ang mga proyekto ng huli.
Sabi niya, “I'm also very much proud of him. I love our relationship and how we grow as individuals also, hindi lang partners.”
“We allow each other to explore. Like siya [Khalil Ramos], sobrang dami niyang ginagawa ngayon. He's doing films, teleserye, and I'm very much proud of him,” dagdag pa ni Gabbi na inilarawan din kung paano sila bilang partners kahit na busy sila sa kanya-kanyang projects.
Matatandaang sa hiwalay na interview ng GMANetwork.com kay Khalil, masaya niyang ibinahagi kung gaano siya ka-proud bilang boyfriend ni Gabbi.
“I would love to be called the boyfriend of Gabbi Garcia, any single day. I'm proud to be her boyfriend. Isisigaw ko sa mundo 'yon,” sabi niya.
Mapapanood ulit si Gabbi Garcia bilang isa sa mga host ng upcoming season ng Pinoy Big Brother- ang 'Pinoy Big Brother Collab 3.0.'
Si Khalil naman ay abala sa intense drama series na 'Honor Thy Mother.'
Silipin ang sweet moments nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa gallery sa ibaba.