GMA Logo Gabbi Garcia on women empowerment
Courtesy: gabbi (IG)
Celebrity Life

Gabbi Garcia: "Saying 'No' is not a crime"

By EJ Chua
Published March 27, 2023 3:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Gabbi Garcia on women empowerment


Para kay Gabbi Garcia, walang masama sa pagsasabi ng saloobin at opinyon, "as long as wala kang na-o-offend, wala kang tinatapakang tao, there's nothing wrong with it."

Isa si Sparkle star Gabbi Garcia sa hinahangaan ngayon ng maraming Pinoy.

Kasalukuyan siyang napapanood sa GMA action-adventure series na Mga Lihim ni Urduja at ngayong taon, mapapanood din siya sa isa pang paparating na proyekto, ang Unbreak My Heart kasama sina Richard Yap, Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia.

Sa isang panayam, ikinuwento ni Gabbi ang ilang natutunan niya tungkol sa kanyang pag-uugali at kung paano niya hina-handle ang ilang bagay na posibleng makapagpagalit o makapagpainis sa kanya lalo na sa mundo ng showbiz.

Ayon kay Gabbi, isa sa naging paraan niya kung paano niya ine-empower ang kanyang sarili ay ang pagkakaroon ng self-control.

Pahayag ng aktres, “Siguro in general, I really see to it that I am comfortable with my working relationship with other people, and also I am not afraid to take up space…

"Like, whenever there's a need to speak up, I speak up. As long as I know that I'm on the right side, on the good side, na wala akong tinatapakang tao… 'Yun siguro that's very empowering, to have self-control.”

Kasunod nito, ibinahagi rin ni Gabbi ang kung paano niya binabalanse ngayon ang ilang bagay na sumusubok sa kanyang pag-uugali bilang isang arista na mayroong sweet image.

Pagbabahagi ng global endorser, “Iba naman kasi 'yung you stand your ground versus sa magtataray ka. Siguro, along the way naging mature na rin ako, I learned how to handle things the better way…There is always a better way of saying things, and that I learned na parang 'yung paikot-ikot on how to say things better… And, as long as wala kang nao-offend, wala kang tinatapakang tao, there's nothing wrong with it.

Dagdag pa niya, “Nasa day and age na kasi tayo na saying No, is not a crime, it's totally fine… I've been constantly working on myself on how to be kinder…”

Patuloy na subaybayan ang Mga Lihim ni Urduja, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

SILIPIN ANG TAPING PHOTOS NG UNBREAK MY HEART SA ITALY SA GALLERY SA IBABA: