
Naging sentimental si Gabbi Garcia sa last eviction night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, na ginanap kagabi, June 28.
Sa kanyang Instagram post, inihayag ni Gabbi ang kanyang saloobin sa nalalapit na pagtatapos ng naturang reality show.
Kalakip ang ilang mga larawan, kung saan kasama niya ang kanyang co-hosts, sinabi ng Kapuso actress-TV host, "Can't believe we just had our last eviction night 🥹 My love for this show runs so deep!!! 🥰 It's been such a beautiful, unforgettable ride!! and every single person in it made it even more special ♥️ Grateful, emotional, and soooo excited… see you all at the Big Night!!! ✨ MAGANDANG GABBI!!!!"
Sa panayam ng GMANetwork.com kamakailan, sinabi ni Gabbi na na-attach na siya sa programa at kanyang mga kasama rito.
"It's so fun and na-attach na ako kay Kuya, sa Bahay ni Kuya, sa housemates. Malapit na ang big night, so yun ang pinaka nilo-look forward ko," ani Gabbi.
Related gallery: Meet the Kapuso and Kapamilya hosts of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition''
Kagabi ay nabuo na ang Big 4 para sa Big Night ng PBB Celebrity Collab Edition, na kinabibilangan nina Charlie Fleming at Esnyr o CharEs; Ralph de Leon at Will Ashley o RaWi; Az Martinez at River Joseph o AzVer; at Brent Manalo at Mika Salamanca o BreKa.
Gaganapin ang Big Night sa July 5 sa New Frontier Theater, Quezon City.
Abangan ang mga susunod pang kaganapan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 9:30 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Samantala, balikan ang final duos bago ang Big 4 dito: