
Sa nakaraang episode ng In Real Life (IRL), naka-online cooking session ng show host na si Gabbi Garcia si Kapuso singer Jennie Gabriel sa paggawa ng kakaibang Lumpiang Shanghai Longganisa.
Habang may cooking showdown ang dalawa, pinakita ni Jennie ang husay niya sa pag-impersonate ng iba't ibang sikat na celebrities at singers, mapa-local man o international.
Nasubok ang galing ni Gabbi sa panghuhula ng mga artistang gagayahin ni Jennie Gabriel sa "Da Who Challenge." Ilan kaya ang nahulaan ng ating IRL host sa challenge na ito?
Kilalanin ang Queendom:
Panoorin ang almusal experience with a twist nina Gabbi at Jennie sa IRL.
Huwag palampasin ang kuwentuhan na puno ng good vibes at tipid tips tuwing Huwebes ng hapon sa IRL, 5:45 PM sa GTV!