GMA Logo gabby concepcion
What's on TV

Gabby Concepcion confident that Rayver Cruz, other cast will give justice to their 'Nagbabagang Luha' roles

By Jansen Ramos
Published July 27, 2021 7:06 PM PHT
Updated July 29, 2021 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Buluthuan sa Ibajay, Aklan, gindayaw sa colorful nga classrooms kag facilities | One Western Visayas
Kylie Padilla gushes over AJ Raval and daughter Alkina's TikTok video
Independence Day celebrations and deals

Article Inside Page


Showbiz News

gabby concepcion


Sa GMA adaptation ng 'Nagbabagang Luha,' ang Kapuso heartthrob na si Rayver Cruz ang gaganap sa papel ng batikang aktor na si Gabby Concepcion bilang Alex.

Nakatanggap ng good luck message ang cast ng upcoming GMA afternoon series na Nagbabagang Luha mula sa batikang aktor na si Gabby Concepcion. Ang serye ay hango sa '80s blockbuster movie na may parehong pamagat.

"Sa cast ng Nagbabagang Luha, be a version of yourself to be that role. Get out of your comfort zone and love and embrace that role," sabi ng First Yaya lead actor sa videong pinadala niya sa GMA Pinoy TV para sa 'Pinoy Abroad Fun Connect'.

Bumida si Gabby sa original version ng Nagbabagang Luha, na idinerehe ni National Artist for Cinema Ishmael Bernal, kasama sina Lorna Tolentino, Alice Dixson, at Richard Gomez.

Sa GMA adaptation ng Nagbabagang Luha, ang Kapuso heartthrob na si Rayver Cruz ang gaganap sa papel ni Gabby bilang Alex.

Patuloy ni Gabby, "Napakaganda ng istorya. Ako, nag-enjoy ako, nag-enjoy kami lahat.

"Maraming salamat kay Ishmael Bernal, kay Lorna, kay Alice, kay Richard, sa lahat ng nakasama ko.

"And I'm sure you guys you'll have a great time doing this teleserye, it's a remake."

Tiwala naman si Gabby na mabibigyan ni Rayver at ibang cast members ng hustisya ang kanilang mga role, basta't bigyan lang daw nila ng sariling atake ang kanilang pagganap sa soap opera.

"Do your own version. I know you're gonna do good, Rayver and everybody else."

Sa pelikulang Nagbabagang Luha, dating asawa ni Alex si Maita (Lorna Tolentino).

Ipinaglaban nila ang kustodiya ng kanilang anak na si Yeye (Honey Mae Ledesma) at napunta ito kay Maita.

Hindi natanggap ni Alex ang desisyon ng korte kaya dinala ni Alex si Yeye sa Amerika.

Dumulog naman si Maita sa nakababatang kapatid na si Cielo (Alice Dixson) para kunin si Yeye kay Alex pero hindi naging matagumpay ang kanilang plano nang aminin ni Alex na nahuhulog ang kanyang loob sa kanyang sister-in-law.

Naging komplikado pa ang sitwasyon nang manghimasok ang ina ni Alex na si Mrs. Montaire (Gloria Romero).

Sa TV adaptation ng Nagbabagang Luha, si Glaiza ang gaganap bilang Maita samantalang si Claire Castro ay si Cielo.

Lalabas naman bilang Mrs. Calida Montaire ang batikang aktres at direktor na si Ms. Gina Alajar.

Mapapanood ang world premiere ng Nagbabtagang Luha ngayong August 2, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.

Mapapanood ang world premiere ng Nagbabagang Luha ngayong August 2, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama series.

Panoorin ang naganap na 'Pinoy Abroad Fun Connect' virtual event ng GMA Pinoy TV kasama ang 'Nagbabagang Luha' cast dito:

Silipin ang lock-in taping ng programa rito: