Article Inside Page
Showbiz News
Nakasalamuha na rin niya ang iba niyang magiging co-actors at wala siyang masabing negatibo tungkol sa kanila.
By MICHELLE CALIGAN
First time ni Gabby Concepcion na mapabilang sa isang Kapuso TV project kaya inamin niyang excited siyang makatrabaho ang ilang Kapuso stars, kabilang na ang kanyang magiging leading lady sa
'Because of You' na si Carla Abellana.
"Nakasama ko na si Carla sa trabaho noon, excited ako kasi kilala ko na siya. Gusto ko siyang makatrabaho. Maganda ang kanyang attitude sa trabaho. Sa tingin ko wala kaming magiging problema," pahayag ng aktor pagkatapos ng kanilang story conference last October 19.
Nakasalamuha na rin niya ang iba niyang magiging co-actors at wala siyang masabing negatibo tungkol sa kanila.
"Lahat naman mukhang maaamo at mababait at magagaling kaya excited ako."
Noong una daw ay nagulat si Gabby na magkakaroon siya ng teleserye gayong malapit nang matapos ang taon. Buti na lang daw at naayos pa niya ang kanyang schedule.
"Hindi ko akalain, kasi magno-November na. Hindi ko akalain na may teleseryeng shino-shoot na towards the end of the year. Kaya 'yung schedule ko nakalaan na sa ibang shows abroad. Nang nalaman kong may taping, talagang nagkagulo kami sa schedule. Pero maayos naman."
Ano'ng klaseng Gabby Concepcion kaya ang mapapanood natin sa upcoming primetime series na ito?
"Napansin ko kasi sa buhay ko, 'yung '80s na ginagawa kong mga pelikula, ibang role ang ginagampanan ko every 10 years. Ibang twist ang gagawin natin dito. Bago lahat ito kaya excited ako," saad niya.