Una niyang makakatrabaho ang Kapuso actress na si Carla Abellana. Aniya, malapit niyang kaibigan ang ama nitong si PJ Abellana kaya naman excited siya para rito.
“Parang meron kaming familiarity kaya masaya, maganda kasi ang gaganda rin ng projects ni Carla. Nakagawa na rin kami ng project, at masaya siyang kasama. She’s very professional. Okay kami,” pahayag ni Gabby sa panayam ng 24 Oras.
Dahil nasa Kapuso network na, may posibilidad din siyang mag-guest sa comedy-talk show ng kanyang dating talent manager na si Lolit Solis, ang CelebriTV.