
Ibinahagi ni First Yaya star Gabby Concepcion ang kanyang sagot kung sino ba si Kapuso actress Sanya Lopez sa buhay nito sa nakatutuwang segment na “TaranTanong” ng Mars Pa More kamakailan.
Photo courtesy: Mars Pa More (IG)
Nagmula naman sa isang special guest ang “TaranTanong” para sa aktor at walang iba ito kundi ang kanyang Kapuso leading lady na si Sanya.
Wika ng aktres, “Sir, marami ang nagtatanong kung ano ba daw tayo. Ang sabi ko, 'Ikaw ang tanungin' kaya ito ang 'TaranTanong' para sa iyo. Sir, ano nga ba tayo?” Ang tanong na ito ay inulit naman ni Mars host Camille Prats sa aktor.
Photo courtesy: GMANetwork (YouTube)
“Edi malapit na kami… Malapit na ipalabas 'yung aming teleserye. Malapit na,” pagbahagi ng aktor na ikinatuwa ng dalawang hosts.
Nang tanungin ni Iya kung kamusta na nga ba ang relasyon ng dalawang co-stars, sagot ni Gabby, “Okay kami, walang problema. Walang conflict dahil magaling siyang ka-trabaho.”
Matatandaan na naging katambal ni Gabby Concepcion si Sanya Lopez sa GMA Telebabad series na First Yaya na minahal at sinubaybayan ng mga manonood. Abangan ang sequel nito na pinamagatang First Lady sa 2022.
Panoorin ang buong panayam ni Gabby Concepcion sa Mars Pa More video sa itaas o DITO.
Para sa mas maraming pang celebrity feature tulad nito, tutukan ang Mars Pa More tuwing Monday to Friday, 8:45 a.m. sa GMA.
Samantala, alamin ang mga rason para i-ship ang love team nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion sa gallery na ito: