
Diretso lang ang taping ng highest-rated daytime drama na Ika-6 Na Utos, pero naisingit ng cast at crew nito ang isang munting birthday celebration para sa leading man na si Gabby Concepcion.
Habang nasa isang resort sa Batangas, ipinagdiwang nila ang kaarawan ni Gabby sa pamamagitan ng isang munting salu-salo.
Bukod dito, nagpasalamat din si Gabby dahil sa isang taong suporta ng mga manonood sa kanilang serye.
Patuloy na tunghayan ang Ika-6 Na Utos, Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.