
Ipinasilip ni Gabby Concepcion ang mga nagananap behind the scenes ng First Yaya sa kanyang latest vlog.
Kasalukuyang nasa second leg ng lock-in taping si Gabby kasama ang kanyang co-stars na pinangungunahan ni Sanya Lopez. At sa pamamagitan ng kanyang vlog ay dinala niya ang kanyang fans at viewers sa set ng upcoming Kapuso rom-com series.
Ipinasilip ni Gabby ang kanyang tent at kung paano siya naghahanda sa mga eksena kahit rest day nila. Pansin din sa kanyang video ang closeness nila ng kanyang co-stars na kanyang nakakasama sa mga munting kalokohan tulad ng pagsasayaw, paglalaro, at pagti-TikTok.
Ayon sa aktor, “Bonding is the key that ties everything together. Solid!”
Samantala, silipin ang pilot taping ng First Yaya sa gallery sa ibaba:
Ang First Yaya ay kinabibilangan din nina Maxine Medina, Pancho Magno, Pilar Pilapil, Gardo Versoza, Sandy Andolong, Buboy Garovillo, Cassy Legaspi, Cacai Bautista, Thou Reyes, Glenda Garcia, Analyn Barro JD Domagoso, Anjo Damiles, Jerick Dolormente, Cai Cortez, Kiel Rodriguez, Jenzel Angeles, Clarence Delgado, at Patricia Coma.