Celebrity Life

Gabby Concepcion, ipinasilip ang mga pinagkakaabalahan habang naka-quarantine sa Batangas

By Cherry Sun
Published May 12, 2020 5:28 PM PHT
Updated May 12, 2020 6:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Noel Bazaar offers local products for Christmas gift shoppers
Pipila ka mga Vendors sa Pabuto, Namaligya Gihapon Duol sa mga Panimay | Balitang Bisdak
Farm To Table: Magpapasko na, food explorers!

Article Inside Page


Showbiz News

Gabby Concepcion


Pati pangingisda at paglalagay ng graba sa kalsada, nasubukan na ni Gabby ngayong naka-quarantine siya sa Batangas! Silipin ang kanyang buhay-probinsya rito.

Ipinasilip ni Gabby Concepcion ang kanyang simpleng buhay sa Batangas kung saan siya naabutan ng enhanced community quarantine.

Sa kanyang homestead sa Lobo, Batangas kasalukuyang nanunuluyan si Gabby. Malayo man sa kanyang pamilya at mga kaibigan, nakahanap ng maraming paglilibangan ang actor ngayon.

Kabilang dito ang pagiging abala sa kanyang farmhouse, pag-ayos ng ilang tambak sa kanyang property, at pangingisda.

Sunset fishing. #staysafeeveryone

Isang post na ibinahagi ni Gabby Concepcion (@concepciongabby) noong

Took the boat out today. I could not resist but to take a picture of the sunset behind me. One of the best views on earth is the sunset. Her spectacular beauty is there for everyone to share. #sunset # fishing #amanglobobeachhouse #lobo #Batangas #staysafe

Isang post na ibinahagi ni Gabby Concepcion (@concepciongabby) noong

Sa kanyang pinakahuling vlog, ipinakita rin ni Gabby na pati ang paglalagay ng graba sa kalsada ay ginawa na niya.

Simula March 16 ay sa Batangas na namamalagi si Gabby.

TINGNAN: Ang buhay probinsya ng mga artista sa gitna ng COVID-19 outbreak

IN PHOTOS: Celebrities who got stranded when the enhanced community quarantine was implemented