
Ibinahagi ni Gabby Concepcion ang kanyang nakakatuwang video kasama ang kanyang Ika-6 Na Utos co-star na si Ollie Espino o kilala bilang Mang Mando sa naturang Kapuso show.
Nakasama ni Gabby sa Batangas si Ollie nang mag-donate sila ng mga gamot at vitamins sa probinsya sa tulong ng kanilang sponsors at miyembro ng Coast Guard.
Matapos ang kanilang paghahatid ng tulong, sumabak din sa nakakatuwang aktingan ang magkaibigan.
Ang dalawang drama actors, puwede na rin kaya sa comedy? Panoorin:
Si Gabby ay gumanap bilang Rome sa Ika-6 Na Utos habang si Ollie ay gumanap bilang kanyang driver na si Mang Mando.
Sa Batangas namalagi si Gabby simula ng enhanced community quarantine noong Marso.
Gabby Concepcion, ipinasilip ang mga pinagkakaabalahan habang naka-quarantine sa Batangas
Gabby Concepcion, nagbigay ng video tour sa kanyang farm sa Lobo, Batangas
Gabby Concepcion shows off abs, macho physique