
Ipinasilip ni Gabby Concepcion ang kanyang simpleng farmhouse, ang Amang Lobo Homestead sa Lobo, Batangas kung saan siya kasulukuyang tumutuloy dahil sa enhanced community quarantine.
Sa kanyang Instagram video, ipinakita ni Gabby ang tanawing dagat mula sa kanyang kwarto.
Isang video tour din ang kanyang ibinahagi kung saan ipinakita niya ang kanyang mga pananim tulad ng puno ng saging, talong at oregano, at mga alagang hayop tulad ng mga kambing at manok.
Anang First Yaya actor, matapos ng kanyang ginawang tour ay mag-re-repair din siya ng kanyang jetski.
Sa Batangas nanunuluyan si Gabby simula noong March 16.
TINGNAN: Ang buhay probinsya ng mga artista sa gitna ng COVID-19 outbreak
IN PHOTOS: Celebrities who got stranded when the enhanced community quarantine was implemented
IN PHOTOS: Celebrities who enjoy farming and gardening life