GMA Logo Gabby Concepcion
Celebrity Life

Gabby Concepcion, nagkuwento about dating, crushes, at babaeng perfect 10 para sa kaniya

By Maine Aquino
Published March 28, 2023 5:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI: Viral dashcam video sa Kennon Road, tumutugma sa imbestigasyon | One North Central Luzon
Amihan, easterlies to bring rains on Christmas Day
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Gabby Concepcion


Napasabak ng kuwento si Gabby Concepcion at medyo marami siyang revelation na binanggit sa pinakabago niyang video sa kanyang YouTube channel. Alamin lahat 'yan, dito:

Ilang spicy questions ang sinagot ni Gabby Concepcion sa pinaka bago niyang video sa kanyang YouTube channel. Kabilang sa mga ito ay tungkol sa pakikipag-date, crushes, at marami pang iba.

Ikinuwento ni Gabby ang ilang personal na detalye sa kaniyang buhay sa kaniyang vlog.

Ayon sa Stolen Life actor, memorable ang kaniyang first date dahil ito ay parehong worst date and best date.

Ani Gabby, "Naalala ko my first worst date I was in junior highschool. Nag-date ako tapos nawalan ako ng gasolina. Nagtulak ako."

"My best date naman was also my first date. After that date, naging kami."

PHOTO SOURCE: Gabby Concepcion

Nang tanungin si Gabby kung sino ang perfect 10 sa mga aktres sa showbiz, nahirapan naman siyang sagutin ito.

"Kung sino yung perfect 10 na showbiz personality? Maraming 10. Mahirap mamili ng isa lang."

Paliwanag ni Gabby maraming mga aktres ang masasabi niyang perfect 10, "Sa channel 7 pa lang ang daming 10. Sa totoo lang maraming magagaling ngayong mag-make up, hindi lang make up, magaganda talaga magdala ng sarili, nag-e-exercise sila, fit sila. I think everybody is a 10 in their own way, sa kanilang standards. Nobody is perfect pero marami sa kanila I could say close to perfect."

Itinanong rin sa vlog ni Gabby kung sino ang kaniyang young celebrity crush.

Ayon sa aktor marami siyang hinahangaan sa industriya, "Wala naman akong crush na celebrity, pero marami akong hinahangaan tulad ni Vilma Santos, si Lorna Tolentino, sila Amalia Fuentes. At ang pinakaunang nanay ko sa showbiz noong ginawa namin ang pelikulang Katorse, walang iba kung hindi si Ms. Celia Rodriguez."

Panoorin ang ilan pang mga inamin ni Gabby sa kaniyang vlog:



Abangan ang pagganap ni Gabby sa papel na Darius sa Stolen Life. Makakasama niya sa GMA Afternoon Prime Series ang mga mahuhusay na aktres na sina Carla Abellana at Beauty Gonzalez na gaganap naman bilang Lucy at Farrah.

Mapapanood ang Stolen Life sa darating na July 3 sa direksyon ni Jerry Sineneng.

SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA LARAWAN SA BEACH HOUSE NI GABBY: