
Isang heartwarming gesture ang ipinakita ng seasoned actor na si Gabby Concepcion sa ilang cast at production staff ng kanyang pinagbibidahang serye na My Guardian Alien.
Sa video na in-upload ni Gabby sa kanyang Instagram account, makikita na nag-abot ang aktor ng red roses sa kanyang co-stars na sina Marian Rivera, Max Collins, at Anne Garcia, na mga nanay sa totoong buhay.
Nagbigay rin si Gabby ng roses sa ilang members ng production staff ng programa.
“Happy Mother's Day on the set of MY GUARDIAN ALIEN,” sulat niya sa caption.
Nagpasalamat ang Kapuso Primetime Queen sa comment sections at sinabi, “Salamat kuya.”
PHOTO COURTESY: concepciongabby (IG)
Subaybayan ang My Guardian Alien, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Pinoy Hits at Kapuso Stream.
Maaari ring mapanood ang serye sa oras na 10:30 p.m. sa GTV.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG MY GUARDIAN ALIEN SA GALLERY NA ITO.