
For Gabby, doing the new Telebabad soap meant "his life has changed."
By BEA RODRIGUEZ
Kahapon (November 24), idinaos ang presscon ng bagong programa na magpapakilig sa GMA Telebabad ngayong November 30. Ang Because of You ay pagbibidahan ng aktres kasama ang kanyang mga leading men na sina Mr. Gabby Concepcion at Rafael Rosell.
READ: Carla Abellana introduces Andrea of ‘Because of You’ to the public
“Magpa-pilot kami end of November so it’s the second time I’m [going to] be working with Mr. Gabby Concepcion. Okay naman mas kuwela siya,” ang paglarawan ng leading lady sa kanyang bagong soap opera sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Sa report naman ng Unang Hirit kaninang umaga, may pakiramdaman ang aktres na ginagampanan ang katauhan ni Andrea na “eventually it will be heavy drama. ‘Di naman puwede mawala ‘yung drama sa kuwento.”
Para sa bagong Kapuso na si Gabby, isang panibagong simula ang teleserye at kanyang bibigyang buhay si Jaime. Saad niya, “My life has changed. Nararamdaman ko dito sa puso. Sa buhay kasi, hindi mo alam kung paggising mo ano ang mangyayari sa ‘yo. It’s a renewal of life, [and] it’s a fresh start.”
READ: Gabby Concepcion, excited to work with Kapuso actors
Ang karakter naman ng hunk actor ay siyang umayaw sa kasal nila ni Andrea. Ipinaliwanag ni Rafael ang pananaw ni Oliver, “It’s a fork road between choosing kung pipiliin mo ba ang mahal mo sa buhay o pipiliin mong mahalin muna ang sarili mo para mas mamahalin mo ang mahal mo sa buhay.”