
Balik-primetime ang aktor na si Gabby Concepcion para sa upcoming Kapuso rom-com series na Love You Two.
Ka-love triangle ni Gabby sa serye sina Jennylyn Mercado at Shaira Diaz na gaganap bilang magkapatid.
Ani Gabby sa isang exclusive interview, "Kaya Love You Two kasi magkakagusto 'yung younger sister sa older character ko tapos magkakaroon sila ng conflict pero since rom-com siya, light ang approach."
Unusual ang konsepto ng serye pero ayon sa aktor, normal daw itong nangyayari sa tunay na buhay.
Saad niya, "Maraming situation na ganun, na 'yung younger one likes the mature one. Nagugustuhan kasi mabait pero 'di mo maiisip na mapupunta sa romantic angle."
Bukod sa kakaibang tema, exciting ang proyekto para kay Gabby dahil first time niyang makakatrabaho ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado na binansagan ding RomCom Queen.
"Malaki ang aking excitement and siyempre feeling ko parang tumama ako ng lotto. Very blessed ako, tulad ng madalas kong sabihin, nothing to complain about everything. Katulad nito, may bagay na hindi ko inaasahan pero nangyayari, binibigay sa'yo," bahagi ni Gabby.