
Sa isang natatanging pagkakataon, ipinakita ni Gabby Concepcion ang kaniyang bahay at private life sa Lobo, Batangas.
Sa kaniyang vlog, ipinasyal ni Gabby ang mga viewers sa kaniyang property at ipinasilip ang iba't ibang pinagkakabalahan niya doon.
Pumunta si Gabby sa construction supply store, isang restaurant, at pati na rin sa palengke para bumili ng kaniyang lulutuin para sa hapunan.
Ilan pa sa ibinahagi ng Stolen Life actor ay ang kaniyang itinatayong rain water reservoir at mga pananim na sinimulan niya noong 2020.
Panoorin ang a day in a life vlog ni Gabby dito:
Abangan si Gabby sa kaniyang pagganap bilang si Darius sa Stolen Life. Kasama niya sa GMA Afternoon Prime Series na ito sina Carla Abellana at Beauty Gonzalez na gaganap naman bilang Lucy at Farrah.
Mapapanood ang Stolen Life sa July 3 sa direksyon ni Jerry Sineneng.
SAMANTALA, NARITO ANG MGA LARAWAN SA BEACH HOUSE NI GABBY: