
Angat ang husay at galing sa pag-arte ng seasoned TV-movie star na si Gabby Concepcion sa GMA Afternoon Prime series na My Father's Wife.
Sa naturang soap, ginagampanan ni Gabby ang role bilang Robert at misis naman niya rito si Snooky Serna na gumaganap bilang Minda. Dati nang naging magka-love team sina Gabby at Snooky tulad sa movie na Hello, Young Lovers.
Nakapanayam ng GMANetwork.com ang former matinee idol nang mag-bonding ang My Father's Wife cast sa paglalaro ng pickleball sa Club Filipino, San Juan City ngayong Miyerkules, July 9.
At dito, nagkuwento si Gabby kung saan siya humuhugot sa mga matitinding drama scenes nila ni Snooky sa soap.
“Sa workshop pagka dinadaanan namin 'yung ganun mga eksena napakabigat talaga,” lahad ng Kapuso actor.
Dagdag niya, “Ganito nangyayari dito sa mga teleserye, tsaka sa pelikula. Binabalik mo 'yung mga nakaraan at napakahirap naman talaga isipin kung ano 'yung puwede mong i-atake dun sa mga eksena ganun.”
Pinuri rin ni Gabby Concepcion ang mga teen actors na nakasama nila sa My Father's Wife tulad nina Waynona Collings at Angel Cadao na gumanap bilang young Gina at Betsy.
Ayon sa award-winning actor, napakagaling ng mga ito sa mura nilang edad.
“Ang daming nag-aabang sa teleserye natin kasi nagiging more interesting siya. Especially, nung lumabas 'yung mga bata nung unang beses.”
“Ang gagaling nila umakting dahil nakita ko rin, pinanood ko. Tapos sabi ko ibang klase 'tong mga batang 'to ang gagaling nila.”
“Buti na lang, kasi nung sumunod na 'yung mga ibang eksena, nung malalaki na sila, makikita mo parang dugtong talaga 'yung mga hitsura ng mga characters at tsaka ugali nila, nahuhuli ng mga artista natin na sina [Kylie Padilla, Kazel Kinouchi, at Jak Roberto].”
Papahuli ka ba sa latest viral moments ng My Father's Wife?
Manood na Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng It's Showtime sa oras na 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime!
RELATED CONTENT: THROWBACK PHOTOS OF GABBY CONCEPCION