
Aminado ang aktor na si Gabby Concepcion na marami siyang pinanood na mga pelikula at teleserye para magampanan nang maayos si President Glenn Acosta ng First Lady.
Ngunit ayon kay Gabby, wala siyang pinagbasehan sa mga nagdaang president ng Pilipinas.
"Wala naman akong binabasehang presidente na dapat kong gayahin dahil iba-iba naman po sila 'pag nasa bahay, so interpretation ko na lang. Marami din naman akong pinanood pero hindi ko nakita ano sila sa bahay nila," saad ni Gabby.
Samantala, kahit na presidente ang karakter ni Gabby, wala raw siyang balak tumakbo sa eleksyon pero hindi niya sinasara ang pintuan niya para rito.
Nauna nang kumandidato si Gabby noon bilang mayor ng San Juan, ngunit hindi siya pinalad na manalo.
"Nagkaroon na ho ako nang konting experience diyan, pero sa ngayon, wala ho," sabi ng aktor.
Kahit na magkakaroon ng eleksyon ngayong taon, hindi nakakaramdam ng pressure si Gabby na gumanap bilang isang presidente.
"Wala naman akong pressure dito dahil hindi naman ako tatakbo kaya ang gusto talaga namin ipakita dito, katulad ng sinabi ni Direk [L.A. Madridejos], kung ano 'yung mangyayari, kung ano 'yung nangyayari behind-the-scenes ng mga nakikita natin na politicians na puro kampanya ang ginagawa, scripted lahat ng sinasabi nila bago sila humarap.
"Ito naman, of course, may script din pero ito 'yung nangyayari sa bahay nila, sa personal na buhay nila."
Mapapanood ang First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Samantala, kilalanin ang makakasama ni Gabby sa First Lady rito: