What's on TV

Gabby Eigenmann, aminadong mahirap ang madalas na pagiging kontrabida

By Michelle Caligan
Published March 21, 2018 6:51 PM PHT
Updated March 21, 2018 7:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sino si Dr. Reginald Santos, ang asawa ni Carla Abellana? | GMA Integrated Newsfeed
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



Ano'ng atake ang gagawin ni Gabby Eigenmann sa kanyang kontrabida role sa 'Contessa?'

 

 

Dahil madalas gumanap bilang kontrabida, inamin ni Kapuso actor Gabby Eigenmann na mahirap iba-ibahin ang treatment sa bawat role. Gumaganap siya ngayon bilang si Vito Imperial sa GMA Afternoon Prime series na Contessa.

LOOK: IN PHOTOS: At the media conference of 'Contessa'

?Sa ginanap na media conference para sa naturang teleserye, ikinuwento ng aktor kung paano niya nagagawang epektibo ang pagiging kontrabida.

Aniya, "?It's always hard to be the antagonist na paulit-ulit. So you have to be different, you have to come up with another attack on your character. Sabi nga ni Glaiza, hindi porket kontrabida ay masamang tao ka na. You always have to know the back story of it, what led 'yung character ko as Vito na porket masama 'yung family, masamang tao na. Doon natin makikita ang twist. Hindi n'yo naman makikita na babait ako rito, pero why am I bad."

May peg din daw siya ngayon sa kanyang character.

"I've been watching Narcos. I've been following Pancho Herrera, isang character doon na balbas-sarado din, medyo pumapatay ng tao pero may lover siyang lalaki," bahagi niya.

Abangan si Gabby Eigenmann sa Contessa, Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.