GMA Logo David remo and Gabby eigenmann
Source: 24 Oras and davidremo_official (IG)
What's Hot

Gabby Eigenmann and David Remo reunite in 'Wish Ko Lang'

Published March 23, 2022 9:56 AM PHT
Updated March 23, 2022 10:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DMW to OFWs: Don’t use visitor visas to work in other countries
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

David remo and Gabby eigenmann


Matapos ang pitong taon, abangan ang reunion ng versatile actor na si Gabby Eigenmann at Sparkle teen star na si David Remo sa isang espesyal na pagtatanghal ng 'Wish Ko Lang.'

Nagsilbing mini reunion para sa Pari 'Koy stars na sina Gabby Eigenmann at David Remo ang guesting nila sa darating na Sabado sa Wish Ko Lang.

Sa panayam ng 24 Oras sa dalawang Kapuso actors, panay ngiti ang sinukli ni Gabby nang mapag-usapan ang reunion nila ng dating child star.

Biro ng versatile actor, “Nag-binata siya , bumaba 'yung boses, pero 'yung height gaun pa rin [laughs]. No, but David I know him since he was a little boy, so it's always a joy working with him.

“'Yun lang nakakapanibago, kasi dati talaga baby yan ng set, e.”

Hindi naman nahirapan ang Sparkle teen star na makasama uli si Gabby Eigenmann para sa episode ng Wish Ko Lang.

Aniya, “Hindi naman po nanibago, masaya pa rin 'yung taping, parang dati lagi akong nage-enjoy sa mga ginagawa ko at nakasama ko pa si Kuya Gab, ilang years hindi kami nagkita.”

Makakasama din ng dalawa sa episode si Zymic Jaranilla at si Bernadette Allyson na pinuri ang acting performance nina David at Zymic.

Ayon kay Bernadette, “Very pro, so walang kahirap-hirap. Alam nila kung ano 'yung gagawin nila at they come to the set prepared.”

Bukod sa guesting niya sa Wish Ko Lang, malapit na rin mapanood si David Remo sa highly-anticipated series ni Kylie Padilla na Bolera.

Heto at silipin ang transformation ni David from a cutie child star to a teen heartthrob sa gallery na ito: