GMA Logo gabby eigenmann and neil ryan sese
What's on TV

Gabby Eigenmann at Neil Ryan Sese, certified fanboys ng 'Voltes V'

By Cara Emmeline Garcia
Published February 18, 2021 10:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

More airport passengers recorded during holidays in 2025 vs. 2024 – MIAA
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

gabby eigenmann and neil ryan sese


Excited na ba kayong makita sina Gabby Eigenmann at Neil Ryan Sese na gumanap bilang Commander Robinson at Dr. Hook sa 'Voltes V: Legacy'?

Aminado ang mga premyadong aktor na sina Gabby Eigenmann at Neil Ryan Sese na certified fanboys sila ng Japanese anime na Voltes V noong ipinalabas ito sa GMA Network noong dekada '80.

Kaya naman nang malaman nila na gaganap sila sa live-action adaptation ng network na Voltes V: Legacy, inamin ng parehong aktor na lumabas muli ang kanilang pagiging fanboys ng show.

Bitiw ni Gabby Eigenmann kay 24 Oras reporter na si Nelson Canlas, na-excite siya ng sobra-sobra nang i-offer sa kanya ang role.

“Nung nalaman ko na may Voltes V remake, sabi ko sa sarili ko, 'Sana makasama ako d'yan. Kahit ano'ng role!'” aniya.

“Tapos nung sinabi na sa akin na you will be joining as a cast of Voltes V: Legacy as Commander Robinson... Ooohhh! Sobrang na-excite talaga ako.

“Growing up talaga, Voltes V fan ako. I used to collect cards, mga playing cards, at bumibili pa ako sa tindahan para lang mag-collect ang stickers!”

Gaganap si Gabby bilang si Commander Robinson, ang ama ng nag-iisang female member ng Voltes V team na si Jamie Robinson. Isa siya sa mga nag-disenyo ng mega robot at naging commander ng Earth International Defense Force.

A post shared by Gabby Eigenmann (@gabbyeigenmann)

Samantala, mas na-pressure naman daw si Kapuso actor Neil Ryan Sese nang malaman na si Joonee Gamboa ang unang nagbigay boses sa karakter niya na si Dr. Hook noong unang ipinalabas ang loved Japanese anime sa Pilipinas.

Kuwento niya, “Talagang bata pa lang ako, sinubaybayan namin 'to. Inaabangan namin ng mga pinsan ko kasi lahat kami nakatutok sa Voltes V.

“Tapos nalaman ko pa na 'yung cartoons na ipinalabas dito sa Pilipinas, noong 1978, ay si Mr. Joonee Gamboa pa 'yung nagboses kay Dr. Hook.

“E, siyempre, isa 'yun sa mga iniidolo ko. So nadagdagan 'yung pressure pa!”

Si Dr. Hook ay isa sa mga scientist at commander ng Earth Defense Force na tumutulong sa Voltes V team na kalabanin ang Boazanian forces.

A post shared by neilsese (@neilsese)

Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas sa video na ito:

Ang Voltes V: Legacy ay isang proyekto ng GMA Entertainment Group na idederehe ni Mark A. Reyes at isinulat ni Suzette Doctolero.

Ang lahat ng mga materyal para sa live-action adaptation na ito ay masusing pinag-aralan at ipinapruba sa Toei Company, Ltd at Telesuccess Production Inc--ang mga pangalan sa likod ng successful anime noong dekada '70 at '90.

Habang hinihintay ang action-packed serye, kilalanin ang kumpirmadong cast ng Voltes V: Legacy sa gallery na ito: