What's on TV

Gabby Eigenmann, gaganap bilang isang LGBTQIA+ parent na may LGBTQIA+ na anak sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published March 16, 2023 10:49 AM PHT
Updated April 19, 2023 10:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Israeli President Herzog, personal na nakiramay sa mister ng nasawing caregiver
Some trucking firms suspend ops due to rising fuel prices
Izzy Johnson wins Manila qualifiers of freestyle dance competition

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Isang kakaibang kuwento tugkol sa LGBTQIA+ parent ang bibigyang buhay ni Gabby Eigenmman sa bagong episode ng '#MPK.'

Magpapamalas na naman si Kapuso actor Gabby Eigenmann ng isang natatanging pagganap sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Sa episode na pinamagatang "Mana sa Inang Ama: The Jester Mendoza Story," gaganap siya bilang Jester, isang LGBTQIA+ parent na magkakaroon ng LGBTQIA+ na anak.

Mana sa Inang Ama


Bata pa lang si Jester, alam na niyang bakla siya. Gayunpaman, pipilitin siyang magpakalalaki ni Wena, karakter ni Vaness del Moral.

Magkakaroon ng anak ang dalawa, si Prince Sandra, played by Gold Aceron. Hindi magiging maayos ang relasyon nina Jester at Wena kaya maghihiwalay rin sila.

Lalaki sa poder ni Wena si Prince at hindi man ito nakikita ni Jester, regular naman ang pagpapadala niya ng sustento rito.

Pero mangungulila rin si Jester sa anak kaya nais niya itong makilala. Laking gulat niya nang malaman na isa ring bakla si Prince tulad niya.

Matatanggap ba ng mag-ama ang isa't isa?

Kasama rin sa episode si Bugoy Cariño na gaganap bilang teenage Jester at si Dexter Doria na gaganap bilang Josie, ang lola ni Jester.

Abangan ang kakaibang kuwentong ito sa brand new episode na "Mana sa Inang Ama: The Jester Mendoza Story," March 18, 8:00 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: