
Mapapa-wow kayo sa upcoming episode this weekend ng hit reality show na Running Man Philippines, dahil na-unleash ang competitive side ng award-winning actor na si Gabby Eigenmann.
Makakasama ng ating seven celebrity Runners sina Gabby at Lapillus's member Chanty Videla sa 'Running War' race.
Sa panayam kay Gabby Eigemann sa 24 Oras kagabi, humingi ito ng tawad kay Buboy Villar sa pagiging competitive niya sa naging shoot nila sa Songdo Convensia sa Incheon, Korea.
Sabi ng versatile actor, “Actually, nahirapan din ako sa mga challenges. But nonetheless, it's the most fun, adventurous, very tiring na na-experience ko. Ngayon pa lang magso-sorry, mag-a-apologize na ako kay Buboy for mishandling you [laughs]. Pero masaya.”
Pinatotoohanan naman ni “The Funny Juan,” ang pagiging palaban sa mission ni Gabby Eigenmann.
Kuwento ni Buboy, “Napakabait na tao ni Kuya Gabby, hands down po ako sa kabaitan niya. Pero andun! Pero nandoon 'yung competitive ni Kuya Gabby, hindi mo siya puwede ismolin, okay.
“Kasi talagang, grabe! Abangan po nila.”
Chanty of Lapillus
Hindi rin daw magpapahuli sa bagong race nila this week, ang K-pop idol na si Chanty Videla na kamakailan lang ay pumirma ng contract sa Sparkle GMA Artist Center.
Pagbabalik-tanaw ni Buboy na madiskarte rin si Chanty sa mga mission. Lahad niya, “Lahat kami, e, nag-aalangan siyempre parang K-pop idol 'to, 'di ba. Nahihiya kami lahat, pero si Chanty pinakita po niya dito na matalino talaga siya. Matalinong babae, na kahit pangiti-ngiti lang may plano siya. 'Yun ang abangan n'yo.”
Naalala naman ni Gabby ang naging pag-uusap nila ng K-pop star at umamin ito sa dalaga na nai-starstruck siya makita ito ng personal.
“Magkasama kami sa standby van, pareho kami na starstruck sa isa't isa. Kasi 'yun nga sabi ko, K-pop follower din ako. Tapos, sabi niya sa akin nastarstruck po ako kasi mga makakasama ko artista, ako daw.
“Sabi ko, 'Hindi ako nga [na-starstruck sa'yo]'.”
FIND OUT MORE ABOUT SPARKLE BEAUTY CHANTY VIDELA HERE: