What's on TV

Gabby Eigenmann, nagpataas ng timbang para sa 'Voltes V: Legacy' role

By Jansen Ramos
Published December 29, 2022 12:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 10, 2025
Anne Curtis attends Hong Kong Fashion Festival
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

gabby eigenmann


Gabby Eigenmann sa kanyang paghahanda bilang Commander Robinson sa 'Voltes V: Legacy': “I really look big there...pinagtrabahuhan ko 'yan e. That's for real.”

Dalawang araw na lang at mapapanood na ang mega trailer ng inaabangang Voltes V: Legacy.

Masasaksihan ito sa Sabado, December 31, GMA New Year special na Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon.

Dito masisilip ang all-out na paghahanda ng much-awaited series mula sa costume at set design hanggang sa physical adjustments ng cast.

Ayon kay Matt Lozano, attention to detail ang tall order habang ginagawa ang live-action adaptation ng classic Japanese anime series na Voltes V.

"Nasanay kami masyado sa green screen, sa blue screen at hindi ko ine-expect na talagang 'yung attention to detail niya, talagang sobrang malala," ani Matt na lalabas bilang Big Bert.

Siniguro raw ng produksyon na bawat aspeto ng makabagong bersyon ng Voltes V ay naging tapat sa napanood na anime sa telebisyon.

Si Gabby Eigenmann na gaganap bilang Commander Robinson, kailangan raw magpataas ng timbang para maging angkop ang kanyang body size sa role.

"I really look big there, yes, pinagtrabahuhan ko 'yan e. That's for real. I worked on that weight. Commander Robinson is a big guy and I'm having a hard time losing it. Tatawid na ko Start-Up, gano'n pa rin itsura ko," bahagi ni Gabby, na halos kasabay ginawa ang Voltes V: Legacy at Start-Up PH.

Naging malaking challenge naman ang Voltes V: Legacy para kay Raphael Landicho na pagganap bilang Little Jon.

Dumating kasi siya sa panahong bawal lumabas ang mga bata during the COVID-19 lockdown at mahigit isang taon ding siyang hindi nakapag-shoot ng mga eksena.

Ngayon, kinakabahan naman ang produksyon sa kanyang growth spurt.

Panoorin sa video sa itaas ang buong “Chika Minute” report ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong Miyerkules, December 28.

Mapapanood ang Voltes V: Legacy sa second quarter ng 2023, ayon sa direktor nitong si Mark Reyes.

Ang Voltes V: Legacy ay mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero.

Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng TOEI Company at ng licensing agent nito sa Pilipinas na Telesuccess Productions, Inc.

NARITO ANG IBA PANG ARTISTANG MAPAPANOOD SA VOLTES V: LEGACY: