Article Inside Page
Showbiz News
Basahin ang pahayag ni 'InstaDAD' star Gabby Eigenmann tungkol sa pagde-deny ni Albie Casino na siya ang ama ng kanyang pamangkin na si Ellie.
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Kamakailan lang ay naglabas ng statement si Albie Casino na hindi raw siya ang ama ni Ellie, ang anak ng kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann. Ilang taon din bago nagsalita ang aktor tungkol sa issue na ito kaya’t marami ang nagulat nang itanggi niyang hindi niya ito anak.
“Really? May ganoon,” gulat na reaksyon ni
InstaDAD star Gabby Eigenmann nang tanungin namin ang kanyang side tungkol sa issue.
Ayon kay Gabby, ayaw na sana niyang pag-usapan ang issue dahil hindi ito makakabuti sa pamangkin niyang si Ellie.
“Dapat iniiwasan na natin 'yan kasi Ellie is three years old already. Hindi dapat siya maging talk of the town. She's only a child. For whatever stories that are coming out, let them be,” saad niya.
Hangga’t maaari ay ayaw nilang makarinig ng mga issue on Ellie dahil masyado pa siyang bata. Aniya, “Kasi hindi naman namin pinag-uusapan 'yung mga bagay na 'yan eh.”
“Unang-una, the father was never needed. Hindi naman hinanap. So it's a blessing na nariyan siya [Ellie] and we have to show her the right path kahit ganito kagulo ang industriya na nadadamay siya. We also have to show them the good side of it,” dagdag pa niya.
Kung makakasalubong ni Gabby si Albie one day, paano niya haharapin ang aktor? “Hindi ko masabi eh. Kasi ako, there was anger before. Pero I did not do anything about it,” sagot niya.
Dagdag pa niya, “If you're gonna ask me during that time, kung makita ko, I won't even know what to do. Kung si Sid [Lucero], kung sinabi niyang puwede siyang maging violent, I won't be surprised if I can be one too."
Pero susubukan pa rin daw ni Gabby na makausap nang maayos si Albie dahil ayaw niya raw ng gulo. “Pero I believe in the power of puwede mong kausapin. I believe in mahinahon. By nature, hindi ako violent eh. I can say hurtful words, pero 'yun ang feeling ko na mas nakakatakot, kapag ang tao [ay] hindi bayolente, huwag mong hintayin na maging bayolente siya,” anang InstaDAD star.
“Basta [ang] importante, simple life, bawal ang nega at always positive,” pagtatapos ni Gabby.