
Isa sa mga kaabang-abang na serye ng GMA ay ang upcoming primetime series na My Guardian Alien.
Related content: Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins at iba pang Kapuso stars, nagsama-sama sa story conference para sa bagong serye
Sa katunayan, nagsimula na ang taping ng nasabing serye at makikita sa social media ang masayang bonding ng cast off-cam.
Sa Instagram, ibinahagi ni Gabby Eigenmann ang isang video kung saan makikita ang naganap na Christmas party ng programa.
Bukod kay Gabby, dumalo rito ang iba pang cast gaya nina Max Collins, Raphael Landicho, Christian Antolin, pati na rin ang production team ng show.
Ang My Guardian Alien ay pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.
Ang naturang serye ay ang pagbabalik teleserye ng Kapuso Primetime Queen matapos ang apat na taon. Sa panayam ng GMANetwork.com kay Marian noong Hunyo, ibinahagi ng aktres na halo-halong emosyon ang kanyang naramdaman sa kanyang pagbabalik primetime.
“Mixed emotions ako, e kasi after four years magbabalik ako sa primetime. So medyo mangangapa ako sa lahat ng mga gagawin ko rito sa taping,” pagbabahagi niya.
Kabilang din sa cast ng serye sina Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Caitlyn Stave, Josh Ford, Kiray Celis, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Christian Antolin, Tart Carlos, at Marissa Delgado.