Article Inside Page
Showbiz News
Kapansin-pansin ang kakaibang sweetness nina Ruru Madrid at Gabby Garcia sa social networking sites. Ano nga ba ang meron sa dalawa?
By ALLANAH CRIS PARAGAS
Kapansin-pansin ang kakaibang sweetness nina Ruru Madrid at Gabby Garcia sa social networking sites, tulad ng Instagram at Twitter. Ano nga ba ang meron sa dalawa?
Nakilala ang love team ng dalawa nang sila ay unang pinagtambal sa Telebabad show na
My Destiny. Nag-click ang tambalan nila on-cam at off-cam.
Kahit na wala pa silang project together after
My Destiny and
Seasons of Love, ay nagkikita pa rin naman sila at lumalabas.
So, what's the real score between them na nga ba?
"98," sinabi ni Ruru nang pabiro.
"We're very close friends," sabi naman ni Gabby.
Mas gusto raw munang mag-focus ng dalawa sa kani-kanilang workshops at pag-aaral. Sinabi rin nila na kaya naman daw sila sweet off-cam ay dahil friends naman talaga sila sa totoong buhay at gusto pa rin nilang mapanatili ang kanilang bonding.
"It doesn't end sa work. It keeps on going kahit sa labas," ayon kay Gabby.
Kahit super friends nga lang ang dalawa ay todo suporta naman ang kanilang fans na mag-comment sa photos nila together.