
Tila pahinga muna sa pag-aaway sina Sang'gre Pirena, Mira, at Gaiea matapos silang magsama sa isang masayang dance video!
Sa social media, ibinahagi ni Cassy Lavarias (Gaiea) ang kanyang entry sa KATSEYE's dance challenge ng kantang “Milkshake” ni Kelis.
Mas ikinatuwa pa ng fans nang makisama rin sa sayawan sina Glaiza De Castro (Pirena) at Kate Valdez (Mira).
"Naki-Milksake na rin si Ashti," caption ni Cassy.
Sa ngayon, umabot na sa mahigit 640,000 views at 23,000 reactions ang naturang video sa Facebook.
Dumagsa rin ang mga komento ng tuwa at excitement ng fans na muling makita ang tatlong Ivtre Sang'gres.
"Tiktok muna bago tumakas," biro ng isang netizen.
"Mag handa na kayo Gaiea hindi mag tiktok HAHAHAHHAHAHA EME," hirit pa ng isa.
Sa susunod na episode, tangkang tatakas si Pirena sa Devas upang makabalik sa Encantadia.
Ngunit dahil sa takot kay Bathalumang Emre, nais siyang pigilan ni Mira. Sa kabila nito, nais sumama naman ni Gaiea upang makatulong sa kanilang pamilya.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: