
Sa episode 26 ng Stairway To Heaven, nadismaya si Eunice (Glaiza De Castro) matapos balewalain ni Cholo ang inihanda niyang surprise birthday party para rito.
Nasira ang mood ng binata nang malaman niyang hindi na papasok si Jodi sa opisina, kaya pinili na lamang niyang magtrabaho.
Dahil dito, sinisi ni Eunice si Jodi sa pagiging cold ng kanyang fiance.
Samantala, binisita nina Cholo at Jovan (Jestoni Alarcon) si Jodi at sinama sa bahay ng kanyang biological father.
Hindi inaasahan ni Eunice na makita si Jodi kaya naman hindi niya napigilang saktan ito dala ng galit.
Balikan ang eksenang 'yan dito:
Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.
Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.