GMA Logo Game of Affection
What's Hot

Game of Affection: Ang miserableng nakaraan ni Lucky

By Aimee Anoc
Published August 7, 2021 10:47 AM PHT
Updated August 7, 2021 11:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

EJ Obiena rules ISTAF Indoor with season-best clearance
For Bea Alonzo, jewelry makes the outfit
ICC Appeals Chamber: Duterte to remain in detention

Article Inside Page


Showbiz News

Game of Affection


Paano napunta si Lucky sa pangangalaga ng mga magulang ni Nikki? Alamin 'yan sa 'Game of Affection.'

Sa ikalawang linggo ng Game of Affection, nagbalik na ang ina ni Nikki (Taew Natapohn Tameeruks) na si Wilma (Tanya Tanyares Engtrakul) sa kanilang bahay.

Nais na rin ni Nikki na pamahalaan ang kompanya nila pero hindi pumayag ang ama nitong si Wyatt (Chai Chatayodom Hiranyatithi) dahil kasalukuyan itong pinamamahalaan ni Lucky (James Jirayu Tangsrisuk).

Dahil sa selos at pagtatampo sa mga magulang, pilit na pinaalis ni Nikki si Lucky sa kanilang bahay. Hindi naman pumayag ang mga magulang ni Nikki sa nais niyang pagpapaalis kay Lucky.

Gumawa ng paraan si Khae (Gul Amena), ang bagong babae ng ama ni Nikki, para magpapansin kay Wyatt. Dahil sa bumalik na ulit si Wilma sa bahay ni Wyatt, sobra ang pag-aalala at pagseselos nito na baka magkabalikang muli ang mga magulang ni Nikki.

Nasasaktan pa rin si Khae sa tuwing nakikita niya si Lucky dahil hanggang ngayon ay may pagmamahal pa rin siya rito. Dati nang nagkaroon ng relasyon sina Lucky at Khae.

Samantala, noong bata pa si Lucky, inampon ito ng mga magulang ni Nikki at pinag-aral. Pero lingid sa kaalaman ng karamihan na kaya naging ulila si Lucky ay dahil sa ipinamigay siya ng kanyang ina noong siya ay bata pa.

Patuloy na panoorin ang Game of Affection sa GMA, Lunes hanggang Biyernes bago ang Eat Bulaga.

Balikan ang mga eksena sa Game of Affection:

Game of Affection: Nikki is so full of herself! | Episode 6

Game of Affection: Lucky's miserable past | Episode 7

Game of Affection: Wyatt tries to please Nikki | Episode 8

Game of Affection: Tipsy Ms. Nikki | Episode 9

Game of Affection: Nikki makes up with Garett | Episode 10