
Sa huling linggo ng Game of Outlaws ay sasabak muli sina Jennifer (Natapohn Tameeruks), Aaron (Mark Prin Suparat), at Relissa (Pimpawee Kograbin) sa laban at dito, makakasama na nila ang dating Mafia boss na si Marvin (Top Jaron Sorat) para puksain ang kasamaan.
Ngunit sa huling pagtutuos nila laban sa mga Mafia ay ilang buhay ang magbabago.
Ilang mga estudyante, kasama na ang kapatid nina Relissa at Jennifer na si Keifer, ang nakuha ng mga kawatan at hiniling na hulihin ng mga pulis si Black Mask. Bukod kay Keifer, kasama rin dito ang pamangkin ni Marvin na si Anya.
At dahil hindi naging matagumpay ang naunang rescure operation nina Jennifer at ng mga kasamahan niya, maging siya ay nahuli rin ng mga kawatan at tinawag na VIP ng mga ito.
Samantala, kikilos naman sina Relissa at Marvin, gaya ng kahilingan ng mga sindikato, kasama ang ilang miyembro ng Special Investigation Centre para iligtas sina Keifer, Anya at mga kaibigan nila.
Lumabas naman ang pag-aalala ni Relissa kay Marvin, at pinaalalahanan pa itong magsuot ng bulletproof vest upang hindi ito mapahamak, isang bagay na ikinatuwa ng gang boss.
Sa pagpunta ni Aaron bilang si Black Mask para harapin ang gang na kumidnap sa mga bata at sa pakikipagtunggali nina Jennifer sa kanila ay mahuhuli sila ng gang at papahirapan.
Sa isang warehouse, magpapakita sa kanila ang kanilang Commander, si Commander Albert, at mga miyembro ng mafia na sina William, Rita, at Roger. Dito nalaman nila na ang commander pala nila ang may kagagawan ng lahat ng paghihirap ni Jennifer. Sa huli, para patahimikin sila, ay sinunog ng commander nila at mga kasamahan nito ang warehouse kung saan sila nakapiit.
Sa kabutihang palad ay nakatakass sila at naisiwalat nila sa SIC ang katiwalian ng kanilang commander, ngunit hindi pa rin natapos doon ang kanilang mga pagsubok. Sa isang sagupaan ay namatay sina Marvin at Relissa matapos nilang aminin ang pagmamahalan sa isa't isa.
Dahil naman sa pagtestigo nina Jennifer at Aaron laban sa kanilang Commander at dahil na rin sa ebidensya laban dito, napatawan siya ng parusang pagkakakulong ng mahabang panahon. Ngunit hindi ito sumuko at sinubukang tumakas, ngunit nabaril siya ni Kongkwamdee.
Sa tabing dagat malapit sa bahay ni Marvin ay inulit ni Aaron ang pagmamahal niya kay Jeniffer at inalok ni Aaron ang dalaga na magpakasal.
SA PAGTATAPOS NG 'GAME OF OUTLAWS,' MULING KILALANIN ANG BIDA NITONG SI MARK PRIN SUPARAT DITO: