
Hindi pa rin natatapos ang pahirap hindi lang kay Jennifer (Natapohn Tameeruks) kundi pati na rin kina Aaron (Mark Prin Suparat) at Relissa (Pimpawee Kograbin). Sa panibagong pagsubok na kakaharapin nila, paano kaya mapagtatagumpayan ng tatlo ang kanilang mga misyon?
Nalaman ng SIC na wala naman talagang kasalanan si Relissa sa pagkamatay ng isa pang inspector nila kaya naman hindi na siya ipinakulong at ibinalik na sa serbisyo.
Sa kabilang banda ay magkakaharap na rin sina Jennifer at ang pinuno ng mga sindikato na si Sid. Ngunit hindi maganda ang sitwasyon ni Jennifer dahil nahuli siya nito at pinapahirapan.
Bukod sa pagiging sindikato at pagkakahuli ni Sid kay Jennifer ay pinapahuli na siya ng higher-ups ng SIC, bagay na sinabi ni Relissa kay Aaron. Samantala, nanganganib naman ang pagiging pinuno ni Sid at nagbanta na ang mga ito na papalitan siya.
Patuloy naman ang pagpapahirap ni Sid at ng ilan sa mga kasamahan nito kay Jennifer. Bukod sa pagbugbog kay Jennifer ay tinuturukan din siya ng mga gamot para ilabas nito ang mga sikretong tinatago niya
At sa patuloy na pagpapahirap kay Jennifer, bumigay na sa wakas ang katawan at ang isip ng dalaga at nangako itong sasabihin sa kanila ang lahat ng gusto nilang malaman.
Samantala, nakilala na ni Aaron si Major General Marlyn Kongkwamdee ng SIC at international security operation command. Ayon dito ay matagal na niyang inoobserbahan si Aaron at sinabi nito na alam niyang ito rin si Black Mask.
Ayon kay Kongkwamdee ay gusto nila makatrabaho si Aaron sa paglaban sa dalawang gang na banta sa pambansang seguridad, ang grupo nila Marvin at ni Sid. Ayon kay Major General, kailangan nilang malaman at makilala ang mga lider ng dalawang gang para mapuksa ang mga ito.
Tuloy pa rin ang pagiging palaban ni Jennifer nang makatakas siya sa mga humuli sa kanya. Ngunit dahil sa mga gamot na itinurok ay hirap at hilo si Jennifer kaya muling nahuli siya.
Sa labas ng hideout nila Sid ay nakaabang naman sina Relissa, Chat, at ang buong SIC para iligtas at ilabas si Jennifer, ngunit nadaplisan si Relissa ng bala sa braso habang nakikipagbarilan.
Sa di kalayuan, nagsimula naman si Marvin na kumilos at pinaputukan ang grupo ni Sid para iligtas si Relissa at mga kasamahan nito.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG FUN FACTS TUNGKOL KAY NATAPOHN TAMEERUKS SA GALLERY NA ITO: