GMA Logo Relissa and Jennifer
What's Hot

Game of Outlaws: Panibagong mga Pagsubok | Week 4 recap

By Kristian Eric Javier
Published May 19, 2023 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
24 Oras Express: January 16, 2026 [HD]
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Relissa and Jennifer


Sa paglabas ni Jennifer, anong mga bagong pagsubok kaya ang haharapin niya? Abangan sa 'Game of Outlaws'.

Sa pagkakakulong ni Jennifer (Natapohn Tameeruks), ginawa ni Aaron (Mark Prin Suparat) ang lahat para suportahan ito at makalaya kahit pa tumistigo laban sa kanya ang kapatid na si Relissa (Pimpawee Kograbin)

Dahil sa tulong ni Aaron, sa wakas ay makakalaya na rin si Jennifer sa kulungan pero sa paglabas niya ay hindi magandang balita ang tatambad sa kanya.

Dinala ni Relissa si Jennifer sa puntod ng mama nila, ang tunay na mama ni Relissa, at sinabing kagagawan ni Jennifer ang dahilan ng pagkamatay nito.

Dahil sa galit, itinakwil ni Relissa si Jennifer bilang kapatid at pinalayas sa harap nito.

Magkaayos pa kaya ang magkapatid? Saan na ngayon pupunta si Jennifer?

Kaya lang, mukhang hindi lang kay Relissa mapapalayo si Jennifer dahil kahit pa naghintay sa kanya si Aaron, sinabi niya sa binata na mas mabuti na hindi na silang magkita pang muli dahil magkaibang mundo na ang ginagalawan nila -- si Aaron bilang isang alagad ng batas, habang si Jennifer bilang isang ex-convict.

At dahil hindi na ulit makakabalik si Jennifer sa SIC, mapipilitan siyang magtrabaho sa isang restaurant. Subalit mukhang sinusundan siya ng problema matapos ma-kidnap ang isa sa mga customers nila at siya ang pagbibintangan.

Dahil dito, kinailangan siya dalhin muli nila Relissa at ng isa pang inspector sa SIC upang imbestigahan ngunit nang pagbantaan si Jennifer na dadalhin ulit sa kulungan, to the rescue naman si Aaron na pinagtanggol ang dalaga.

Malalaman ni Jennifer at ni inspector na si Roger, ang miyembro ng Mafia na nanakot noon kay Jennifer noong nasa kulungan pa ito, ang kumidnap sa bata. At dahil hawak ni roger ang pamangkin ng inspector at pati na rin ang kapatid nina Jennifer at Relissa, mapipilitan silang sumunod sa gusto nito para mailigtas ang dalawang inosenteng bata.

Ano pa ang pagdadaanan ni Jennifer? Magkaayos pa kaya sila nina Relissa at Aaron? Abangan sa Game of Outlaws sa GMA.

SAMANTALA, KILALANIN PA SI NATAPOHN TAMEERUKS NA GUMANAP KAY JENNIFER DITO: