
Marami-rami na ang napagdaanan ni Eat Bulaga dabarkad Allan K Mula sa pagiging komedyante sa isang comedy bar hanggang maging isang regular co-host sa longest-running noontime show.
Kaya naman sa episode ng Game of the Gens (GOTG), ikinuwento ni Allan K na proud siya bilang ang kauna-unahang sing-a-long master sa bansa noong dekada '80s.
Aniya kina GOTG hosts André Paras at Sef Cadayona, “Bago kasi maging comedy bars 'yan ang tawag d'yan ay sing-a-long master. So safe to say, ako ang pinakaunang sing-a-long master sa kauna-unahang sing-a-long bar sa buong Pilipinas. That was around 1986.”
Dahil dito, napakuwento rin si comedian Teri Onor tungkol sa kanyang karera bilang isang theatre actor.
Aniya, “Actually 1995, nasa Bulwagang Gantimpala ako as a theatre actor. Tapos na-promote kami sa The Library 'yung 'El Fili' namin na play. Meron din ako sa Tinik ng Teatro sa Adamson University.”
Nakasama naman ng dalawang premyadong komedyante sina Miss Manila 2020 Alexandra Abdon at BakClash Champion Echo Calinga.
Kung G na G pa rin kayo sa kulitan at amazing trivia, muling tumutok sa episode next week ng bago ninyong Sunday night habit na Game of the Gens sa GTV sa oras na 7:45 p.m.
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit www.gmapinoytv.com.