
Bago kayo magmukmok dahil Monday na ulit, samahan ang funny duo nina Sef Cadayona at Ruru Madrid sa Game of the Gens (GOTG) dahil may mga bibisita na magagaling na comedy actors this weekend.
Magtatapatan sa diskarte at galing sa pagbitaw ng punchline ang comedian na si Mike “Pekto” Nacua, kasama ang kanyang Owe My Love co-star na si Jelai Andres sa GOTG.
Mapataob kaya ng dalawa ang tandem nina Pepito Manaloto star John Feir at GMA Artist Center beauty na si Kate Valdez for the chance to win the jackpot grand prize na Php 300,000?
Bubuhos ng jokes at good vibes sa unang Linggo ng June sa all-original GTV game show na Game of the Gens sa oras na 8:30 p.m., pagkatapos ng I Juander.