
Todo ang kilig na hatid ng dalawang Kapuso actor na mapapanood sa Game of the Gens (GOTG), ngayong April 25.
Kahit ang mga naggagandahang Gen Dolls nina Sef Cadayona at Andre Paras, tila mas inspirado at tinamaan sa Kapuso hotties na magtatagisan ng talino with their beautiful moms.
Huwag papahuli sa G na G na tapatan with Rocco Nacino and Mommy Linda na makakalaban sina Martin del Rosario with his Mommy Tet para sa chance na makapag-uwi ng jackpot prize na Php 300,000!
Saksihan ang matinding tapatan at matuwa sa kulit trivia na handog ng Game of the Gens hosted by Sef Cadayona, Andre Paras, and the Gen Dolls sa GTV sa oras na 8:30 p.m., this April 25 pagkatapos ng 'I Juander.'