
Boyfriend material para sa actress at cosplayer na si Myrtle Sarrosa ang Asia's multimedia star na si Alden Richards.
Kitang-kita ang kilig ng Kapuso actress nang makapanayam nina Sef Cadayona at Ruru Madrid sa Game of the Gens (GOTG) last Sunday, June 27 at umamin ito na may 'big crush' siya sa The World Between Us actor.
Sa isang segment ng GTV game show, tinanong si Myrtle kung tropa or jowa material ba si Alden.
Tugon agad niya, “Grabe naman! Nung narinig ko pa lang 'yung pangalan, kinilig na ako.”
Dagdag ni Myrtle, “Kasi talaga, crush ko talaga siya. May mga games kami na parehong nilalaro, pero nung ininvite niya ako, kinabahan ako, kasi baka mawala 'yung tutok ko sa laro.
“Sa kanya na lang ako tumutok--- napakahirap!
“'Di ba guys, pag gamer ka, kasi dapat focus ka sa game, pero paano ka magfo-focus 'pag gusto mo na lang mag-focus sa tao.”
Panoorin ang nakakakilig na pag-amin ni Myrtle Sarrosa sa video DITO:
Heto pa ang ilang trending moments sa last episode ng GTV game show nina Sef Cadayona at Ruru Madrid below.
Sef Cadayona, pumasa kaya sa tatay ni Myrtle Sarrosa bilang nobyo nito?
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com
Related content:
Game of the Gens: Jim Salas, nagpa-wow ng kanyang throwback photos