
Mapupuno ng good vibes at tiyak na kapupulutan ng impormasyon ang susunod na episode ng Game of the Gens sa Linggo ng gabi!
Magtatagisan sa pagsagot ng fun trivias nina Sef Cadayona at Andre Paras ang mag-inang Tina at Shane Paner na makakatapat ang Ortega clan, na binubuo nina Voltes V: Legacy star Ysabel Ortega at kanyang uncle na si Robert Ortega.
Kaninong tandem ang mas matinik sa pagsagot sa mga trivia?
Sino sa dalawang team ang makapag-uuwi ng grand prize na PhP300,000?
G na G ang paghahatid ng good vibes ng Game of the Gens hosted by Sef Cadayona, Andre Paras and the Gen Dolls sa GTV sa oras na 8:30 PM, pagkatapos ng I Juander this May 2.