GMA Logo game of the gens recap
What's on TV

'Game of the Gens': Robert Ortega at Tina Paner, napa-throwback sa mga nakitang litrato

By Cara Emmeline Garcia
Published March 10, 2021 11:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

game of the gens recap


Anu-ano ang pinauso nina Robert Ortega at Tina Paner noong dekada '90? Tingnan DITO:

Hindi napigilan nina Robert Ortega at Tina Paner na mapa-throwback sa kanilang guesting sa Game of the Gens (GOTG) nitong Linggo nang ipakita ng hosts ang kanilang mga litrato noon.

Para kay Robert, binalikan nina André Paras at Sef Cadayona ang Dyesebel days ni Robert kasama si Carmina Villarroel nang gumanap sila bilang batang Edward at Dyesebel noong 1990s.

Source: Game of the Gens - GTV

Nang tanungin kung ano'ng pinagkakaabalahanan n'ya, ikinuwento ni Robert na patuloy ang kanyang serbisyo sa mga mamayang Pilipino kahit hindi na siya nakaupo bilang councilor ng siyudad ng Maynila.

Aniya, “I'm working for my wife now. Baliktad na ngayon, e, kasi 'di na ako 'yung councilor ngayon. So, nagwo-work ako sa office n'ya and I'm helping out.

“Kahit na hindi ako 'yung nakaupo, patuloy pa rin ang aking pagtulong sa aming nasasakupan.”

Samantala, nagbalik-tanaw si Kapuso actress Tina Paner nang makita n'ya ang “cobra hairstyle” na naging uso noong '90s.

Source: Game of the Gens - GTV

Nakasama ni Robert Ortega ang kanyang inaanak na si Voltes V: Legacy star Ysabel Ortega, habang sinama naman ni Tina Paner ang kanyang anak na si Shane Paner.

Panoorin ang episode highlights nito:

Kung G na G pa rin kayo sa kulitan at amazing trivia, muling tumutok sa episode next week ng bago ninyong Sunday night habit na Game of the Gens sa GTV sa oras na 7:45 p.m.

For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit https:///www.gmapinoytv.com.