
Gamers, paparating na ang fantasy series na mamahalin ng lahat ng gaming enthusiasts, ang Game Keepers, sa GMA.
Isa sa mga pinakakilalang game ang Game Quest ngunit may tinatago itong sikreto. Nakahanda na maghasik ng lagim ang Game Master at oras na manalo siya sa laro ay masasakop na niya ang real world.
Para mapigilan siya, dalawang gamers, na tinaguriang Game Keepers, ang kailangan maglaro at matalo ang lahat ng games upang hindi matuloy ang paghahasik niya ng lagim.
Dalawang teenagers na sina Sari (Jean Janssens) at Mats (Andres Doise) ang inimbitahan sa Villa Forêt bilang pinakabagong mga Game Keepers para pigilan ang Game Master. Sa tulong ni Lelia (Jamie Sou) ay pipilitin nilang manalo sa lahat ng games na ibabato nito.
Gamit ang kanilang mga kakayahan at talino, matalo kaya nina Sari at Mats ang Game Master sa sarili nitong game? Abangan sa Game Keepers, soon, sa GMA.