GMA Logo vice ganda
photo by: Gerlyn Mae Mariano
What's Hot

'Gandang Gabi Vice,' mapapanood na sa GMA

By Kristine Kang
Published August 20, 2026 8:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Salvador Panelo among Miss Universe Pakistan 2026 selection committee
One Mindanao: August 20, 2026 | Livestream
The Pixel Project indefinitely suspends RM of BTS as role model

Article Inside Page


Showbiz News

vice ganda


Abangan ang fresh season ng 'Gandang Gabi Vice' sa GMA ngayong September!

Confirm na confirm talaga ang bagong pasabog ng Unkabogable Star Vice Ganda at ng GMA Network!

Nitong Huwebes (August 20), opisyal na inanunsyo sa 24 Oras na mapapanood na sa Kapuso network ang inaabangang fun chat show, Gandang Gabi Vice.

READ: Vice Ganda teases new project in GMA

"Super, super excited. Ipinagdasal ko 'to, winish ko. When I had the chance to talk to both Ma'am Annette [Gozon-Valdes] and the ABS-CBN Management, tinanong nila kung, 'Ano'ng gusto mong show.' Ang sinabi ko, GGV ang gusto ko," aniya.

"I am very, very excited. Tumaas ulit 'yung energy ko. Gusto kong mapagod ulit dito sa GGV...Ito 'yung pagod na 'Ay gusto ko.' Nanggigigil lang siya ulit. Ngayon, nangangati ako, kinikilig ako. Ang ganda-ganda ng nararamdaman ko."

Sa bagong season, certified fresh na kulitan at chikahan ang handog ng well-loved host. Lalo na't sabik na rin ang Unkabogable Star na makasama ang ilang Kapuso stars sa programa.

"'Yung pinaka nakaka-excite, 'yung mga Kapuso stars na gusto kong [makapanayam] at makasama sa show ko, posibleng posible na. Tapos, marami rin akong GMA stars na nakausap na gusto rin nilang magkaroon ng GGV experience. So ito na. Hindi na siya imposible. Mangyayari na siya," pahayag niya.

"Laging Michael V. Nasa listahan ko palagi 'yan. Marian (Rivera). Si Dingdong (Dantes) kasi na-experience ko sa GGV. Sila Alden (Richards), maraming sikat na Kapuso stars," pahayag niya.


Abangan ang Gandang Gabi Vice ngayong September sa GMA!

Samantala, patuloy na nagbibigay ng saya rin ang Unkabogable Star sa fun noontime program na It's Showtime, weekdays hanggang Sabado, 12 noon sa GMA at Kapuso Stream.

READ: The bardagulan moments in 'It's Showtime' awAAArdings

Silipin ang unkabogable fashion style ni Vice Ganda sa gallery na ito: