GMA Logo gma christmas station id
Photo by: GMA Network, X
What's Hot

'Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat,' trending sa social media

By Kristine Kang
Published November 12, 2024 11:51 AM PHT
Updated November 28, 2024 7:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

MMDA eyes uniform truck ban hours, opening of private roads to ease traffic
DOLE 7 commends driver who rescued 6 in Liloan, Cebu
Marian Rivera's new bag charm is from an Italian fashion house

Article Inside Page


Showbiz News

gma christmas station id


Umani rin agad ng million views ang Christmas Station ID ng GMA Network na "Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat." Panoorin dito:

Maraming na ang na-LSS sa bago at masayang Christmas Station ID ng GMA Network na "Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat."

Mula sa premiere nito kagabi, November 11, marami na ang tumangkilik at pinusuan ang kanta. Dumagsa na rin ang mga positibong reviews galing sa netizens.

Ilang oras lang nakalipas pagkatapos ito ma-post sa social media, umabot ng million views ang Christmas Station ID. Sa Facebook, mahigit umabot ito ng 2.1 million views at 24,000 reactions. Sa YouTube naman, pumatak ito ng 200,000 views at 4,000 likes.

Usap-usapan din ito sa X (dating Twitter) at nag-trending sa Pilipinas ang hashtag #GMAChristmasStationID2024.

Layunin ng "Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat" ang ipakita at ipaalala sa lahat na ang tunay na Paskong Pinoy ay puno ng pasasalamat, pagmamahal, at saya.

Sa music video pa lang nito, makikita ang Kapuso stars, staff, at mga opisyal ng GMA Network na magkakasama habang ipinagdiriwang ang tunay na saya ng Paskong Pilipino. Kasama rin nila sa selebrasyon ang ilang sponsors tulad ng BingoPlus.

Ang masiglang Christmas Station ID ay inawit ng mga magagaling na Kapuso artists na sina Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Rita Daniela, Jessica Villarubin, Hannah Precillas, Mariane Osabel, Garrett Bolden, Anthony Rosaldo, Thea Astley, John Rex, at Sparkle's youngest P-pop group, Cloud 7.

Isinulat ito nina Christine Autor, Natasha L. Correos, Joe-Edrei Cruz, Ann Margaret Figueroa, Lorraine Intes, at Samantha Toloza. Binuo rin nito nina Natasha L. Correos, Joe-Edrei Cruz, at Ann Margaret Figueroa.

Present naman sa music video ng "Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat" ang mga paborito at rising Kapuso stars. Kasama rin ang staff at executives ng GMA Network, katulad nina GMA Network Chairman Atty. Felipe L. Gozon at President and CEO Gilberto R. Duavit, Jr.

Silipin sa gallery na ito ang mga Kapuso artist na naging bahagi ng Christmas Station ID ngayon taon: