GMA Logo Ganito Tayo Kapuso marathon in I heart movies
What's on TV

'Ganito Tayo, Kapuso' short films, mapapanood sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published August 18, 2025 7:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump wants nations to pay $1 billion to stay on his peace board, report says
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Ganito Tayo Kapuso marathon in I heart movies


Mapapanood ang pitong short films ng 'Ganito Tayo, Kapuso' sa I Heart Movies.

Sa ika-75 anniversary ng GMA Network, hatid ng digital channel na I Heart Movies ang isang espesyal na pagtatanghal.

Mapapanood ngayong linggo ang Ganito Tayo, Kapuso, isang anthology na binubuo ng pitong short films na tungkol sa pitong mahahalagang core values ng mga Pilipino.

Tampok sa short na Tres Marias sina Mikee Quintos, Analyn Barro, Thea Tolentino. Tungkol ito sa magkakaibigan na magka-camping para mag-relax pero maaabutan sila ng masamang panahon.

Gaganap naman bilang mga batang babad sa gadgets ang Kapuso child stars na sina Euwenn Mikaell, Sienna Stevens, Aljon Banaira, at Kzhoebe Baker sa short na pinamagatang "G.G." Matututo silang mag-enjoy kung dalhin sila ng kanilang mga magulagn sa playground?

Sina Althea Ablan at Patricia Tumulak naman ang bibida sa Raketera na kuwento ng isang aspiring teacher na gagawin ang lahat para makamit ang pangarap niya.

Bibigyang-halaga naman sa short ng Opo ang kultura nating mga Pinoy. Bibida dito sina Vaness del Moral at Ericca Laude.

Mapapanood naman sa short na The Job Interbrew sina Allen Ansay at Maey Bautista. Kuwento ito ng isang lalaking papunta sa isang job interview pero laging made-delay dahil sa pagtulong niya sa mga nangangailangang nakakasalubong niya.

Bibigyang-buhay naman nina Matt Lozano at Heath Jornales ang short na Para! Sa Pamilya. Magbabalik-tanaw rito ang isang ama tungkol sa pagpasada niya ng jeep kasama ang kanyang anak para buhayin ang kanilang pamilya.

Bibida naman si Anton Vinzon sa The Mami Returns na iikot sa malikhaing paggamit ng teknolohiya para mag-viral ang isang simpleng pagkain tulad ng mami.

Abangan ang short films ng Ganito Tayo, Kapuso, August 23, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.