
Igagalang ba ng mga anak ang madrasta kung mas bata pa ito kaysa sa kanila?
Iyan ang kuwentong tampok sa brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Si Angela Alarcon ay si Leila, isang 18-year-old na dalaga. Iibig siya kay Dan, na role naman ni Gardo Versoza, isang biyudo na 50 years old at may dalawang malalaking anak.
Hindi na nakakagulat na tutol sa kanilang relasyon ang ina ni Leila na si Mayet, role na gagampanan ni Jenine Desiderio.
Lalong magiging mahirap ang relasyon nina Leila at Dan nang tumira na sila sa iisang bubong.
Tutol din kasi ang mga anak ni Dan na si Ben, na gaganapan ni Prince Clemente, at Arlene, role naman ni Erin Ocampo, sa bagong asawa ng kanilang ama.
Mas matanda pa kasi sina Ben at Arlene kaysa kay Leila.
Ano ang kahihinatnan ng kakaibang pamilyang ito?
Abangan ang kanilang kuwento sa brand new episode na "Batang Madrasta" ngayong Sabado, June 26, 8:00 p.m. sa #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: